Buwan ng Wika, kasaysayan, at kultura inilunsad ng Senior High School

Lakan at Lakambini ng Wikasaytura DBTI Makati SHS

Pinangunahan nila Ginoong David Angelo Piscasio (Baitang 12) at Ginoong Raygieson Reyes (Baitang 11) ang paglulunsad ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, Kasaysayan, at Kultura, noong Agosto 3 sa pandepartamentong asembleyo ng Senior High School, na ginanap sa Savio Dome.

 

Inihayag sa mga mag-aaral at guro ng senior high school ang tema at ang mga gawaing inilatag para sa buong buwan ng pagdiriwang.

 

Pangunahin sa mga gawaing inihanda para sa buwan ng Wika ang "Lakan at Lakambini ng WikaSayTura"; isang taunang patimpalak ng departamento tuwing buwan ng Agosto. Ipinakilala sa departamento ang mga kalahok ng patimpalak, suot-suot ang mga kasuotang Filipino hango sa mga kapistahang kanilang kinakatawan.

 

Kabilang sa iba pang mga gawain ang "Chat-Tula" na tatakbo sa buong buwan ng Agosto at magsisimula sa Agosto 6; ang "Misa ng Pamilya", ang parada ng mga "Kasuotang Pilipino", ang "Cultural Show" ng Baitang 11, ang "Dulsayawit" ng Baitang 12, at ang Koronasyon ng tatanghaling "Lakan at Lakambini" na magaganap lahat sa ika-31 ng Agosto.

 

Ang temang, “Wikang Filipino, Wika ng Pananaliksik”, na nagmula sa Komisyon ng Wikang Filipino para sa taong ito ay may layong mabigyang pansin ang paggamit ng wikang Filipino, sa mga larangan ng karunungan, tulad ng pananaliksik, agham, at sipnayan.

 

Early Photos

STUDENT LIFE

St. John Bosco

ACADEMIC TRACKS

Connect with us

Chino Roces Avenue (Pasong Tamo),
Barangay Pio Del Pilar,
1230
Makati City

Tel. No. 892-01-01 to 08

School Location

Search