|
PISTA NG MGA REHIYON, IPINAGDIWANG NG MGA MAG-AARAL SA UNANG TAON
Posted September 3, 2009
.jpg)
Ipinagdiwang ng mga mag-aaral sa Unang Taon ng DBTI-Makati ang “ Pista ng mga Rehiyon” noong Agosto 28, 2009. Sa taong ito ang tema ng pagdiriwang ay: “Kamalayan, Pagmamahal at Pagpapayaman sa Kultura at Kalikasan. Naiiba ang pagdiriwang kung ihahambing sa mga nakalipas na pista dahil sa kauna-unahang pagkakataon ito ay pinagsanib na pangkalahatang gawaing akademiko at teknikal ( General Integrating Activity ). Ito ay isinakatuparan bilang pagtugon sa rekomendasyon ng PAASCU.
Ang pagdiriwang ay kinapalooban ng mga isinagawang mga proyekto at programa
sa mga aralin sa akademiko at teknikal. Makikita sa talahanayan ang mga ito:
PISTA NG MGA REHIYON
Aralin |
Gawain / Proyekto |
Christian Living |
Reporting through powerpoint presentation on religious practices, churches and pilgrimage sites |
Filipino |
Behikulong wika sa pag-uulat, literatura ng travelogue |
English |
Travelogue: promotion of tourism, natural wonders of the region |
Mathematics |
Financial statement, budgeting |
Araling Panlipunan |
Pag-uulat sa isyung pangkalikasan na hinaharap ng rehiyon |
Science |
Recycling / innovation on the use of indigenous materials |
PE/Music |
Song , Dance, Games ( Palarong Pinoy ) |
Computer Technology |
Creating a powerpoint presentation |
Industrial Drafting Technology |
Still life painting peculiar to the region |
AT/MT |
Motorized transportation system of the region |
ET/ELX |
Power plant industries (sources of electricity) found in the region |
May itinakdang rehiyon para sa bawat seksyon:
Seksyon 1 - CALABARZON , 2 - GITNANG LUZON, 3 - DAVAO, 4- GITNANG
BISAYA, 5 - MIMAROPA, 6 - BICOL, 7 - KANLURANG BISAYA at 8 - ILOKOS
Ipinakita ng mga mag-aaral sa Unang Taon ang kanilang pagkamalikhain sa bawat proyekto na kanilang ginawa. Pinatunayan na ang gawain ay isang inter-disiplinaryo. Ibig sabihin kayang maiugnay ng mga mag-aaral sa iba’t ibang asignatura gamit ang isang tema ang isang proyekto at sa kabuuan ay matutugunan ang pagpapalalim sa mga kaisipan na kanilang tinalakay sa iba’t ibang aralin.
Narito ang naging daloy ng pagdiriwang:
7:10 – 8:00 Paghahanda ng Klasrum.jpg)
8:00 – 8:30 Paghahanda para sa Misa
8:30 – 9:30 Misa ng Pasasalamat ng mga Rehiyon
9:30 – 10:00 Recess
10:00 – 10:15 Mobilisasyon Patungong Joy Center
10:00 – 12:00 Pag-uulat ng Bawat Seksyon
Dance Interpretation
12:00 – 12:45 Salu-salo sa Klasrum
12:45 – 1:00 Paglilinis ng Klasrum
1:00 – 2:00 Pagkwekwento ( Joy Center )
2:00 – 2:15 Paghahanda Para sa Palarong Pinoy
2:15 – 4:00 Palarong Pinoy ( Magone Dome )
4:00 Pagtatapos ng programa

|