|
PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA
AGOSTO - 2009
Posted September 3, 2009
.jpg)
Ang buwan ng Agosto ay buwan na nakalaaan para sa selebrasyon ng wika o tinatawag na Buwan ng Wika . Ang tema para sa taong ito ay Wikang Filipino: Mula Baler hanggang buong Pilipinas.
May itinakdang gawain ang Filipino Area sa Mataas na Paaralan na isinagawa para sa pagdiriwang na ito. Ang mga ito ay Patimapalak na Panulat sa lahat ng antas, DAGLIANG PAGKUKWENTO at PISTA sa REHIYON sa Unang Antas, DAGLIANG TALUMPATIAN sa Ika-apat na Antas , SABAYANG PAGBIGKAS sa Ikalawang Antas at INTERPRETASYON ng AWIT sa Ikatlong Antas .jpg)
Ang mga nagsipagwagi sa bawat patimpalak ay pinagkalooban ng medalya at sertipiko. Pinagkalooban ng gantimpala special awards rin ang mga hindi nagsipagwagi sa patimpalak sa Sabayang Bigkas at Interpretasyon ng Awit kaya naging masaya ang bawat isa. Ang mga hurado naman ay pinagkalooban ng sertipiko ng pagkilala at pagpapahalaga.
.jpg)
Ang selebrasyon ng Buwan ng Wika ay nagwakas sa pagkakaroon ng Pista sa Rehiyon sa Unang Taon . Sinimulan ang okasyon sa pamamagitan ng isang misa sa ganap na ika-8 ng umaga at nagwakas sa palaro sa ika- 4 ng hapon. Ito ay integrasyon ng iba’t ibang aralin sa Unang Taon . Ang bahagi ng aralin sa Filipino rito ay ang pag-uulat ng mga mag-aaral sa mga iba’t ibang produkto, mga pagkain, mga magagandang tanawin at ang problema ng bawat lalawigan na ginamit ang wikang Filipino sa pakikipagtalastasan.

Sa Mababang Paaralan, ang Wikang Filipino na nagbubuklod at nagpapakita ng ating pagka-Pilipino ay binigyan din ng halaga. .jpg)
Bilang pambungad na gawain, ang Filipino Area ay nagsagawa ng pagkukuwento sa pakikipagugnayan sa Multiple Intelligences Center. Ang isang manunulat ng mga kwentong pambata na si Bb. Alice Mallari ay inimbitahan upang magkuwento sa mga mag-aaral mula sa Baytang 3 hanggang Baytang 6. Isinagawa ito sa pamamagitan ng ‘live broadcast’.
Bilang karagdagang gawain, ang bawat baytang mula Preparatory hanggang ika - anim na baytang ay naghanda ng mga gawain na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pambansang wika. Narito ang mga gawain sa bawat antas :
Preparatory Level Baytang 1 at 2 - Pagkukulay ng mga larawan na hango sa tema ng pagdiriwang
Baytang 3 - Paggawa ng Islogan tungkol sa Kahalagahan ng Paggamit ng
Wikang Filipino
Baytang 4 - Masining na paglalarawan sa talambuhay ni Manuel L. Quezon
Baytang 5 - Paglikha ng tula tungkol sa tema/ kahalagahan ng Paggamit ng
Wikang Filipino
Baytang 6 - Pagbuo ng poster na may islogan tungkol sa tema ng
Pagdiriwang
Sa pagtatapos ng selebrasyon ng Buwan ng Wika, noong Agosto 28,2009 idinaraos ang isang Misa ng Pasasalamat sa pamumuno ni Fr. Renato De Guzman,SDB kung saan ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit dapat ipagdiwang at pahalagahan ang ating wika.
Sa kahulian, ang mga mag-aaral ay hinikayat na kumain ng mga pagkaing Pilipino upang maipakita ang pagmamahal at pagpapahalaga sa kultura ng ating bansang Pilipinas.

|